Okay, now I'm gonna talk about the topic that I hate. Yung topic na buong buhay ko nang iniiwasan at itinatago....Namnamin nyo 'to dahil once in a lifetime lang ito..Hindi na mauulit muli...
NERD--nakakaasar ang word na yan. Parang ang baduy ng ibig sabihin at ang sakit matawag na ganyan. Pero kahit na ilang beses kong sabihin na hindi ako ganyan, ipinagpipilitan pa rin ng iba na isa akong certified nerd at medyo natatamaan pa rin talaga ako. Medyo lang ha! Hindi naman kasi ako yung tipong aral nang aral na hindi na nasisikatan ng araw. Hindi rin ako yung tipong lahat ng sinasabi ay may references sa almanac, encyclopedia o quotation from a famous person. At lalong hindi ako yung nerd na nagsusuot ng pantalon na nasa dibdib na yung waistline sa sobrang kataasan at nagsusuot ng salamin na 1 inch ang kapal ng frame at 1 million ang grado ng lens (180 lang ang grado ko) at mala-einstein ang buhok at puro braces ang bibig (for one thing, wala akong braces!). I guess I'm a normal type of geek. Geek/Nerd in the sense na grade-conscious. I have lived with that title for more that half of my life. Mejo naiinis na nga ako jan e, sa totoo lang talaga. Gusto ko na rin magbago.
Nung unang araw pa lang ng klase, sabi ko sa sarili ko: "College na! Easy-easy na lang ako. Goodbye na sa pagiging nerdy-braniac cream student. Wala nang cream class e. Less pressure, zero competition." Akala ko kaya ko. Akala ko madali. mahirap din palang baguhin ang nakasanayan mo nang routine simula nung bata ka pa. I thought I can live a carefree college life. Yung bang tipong papasok ka na walang alam, incomplete assignment at aasa na lang sa kung anong mangyayari sa araw na ito. Xet, hindi ko ata kaya. The mere thought of going to class unprepared and knowing that you haven't studied for a long quiz makes my stomach turn upside-down! Actually, I've tried it na. I can't describe the feeling. Parang natatae ka na nasusuka na nahihilo pag naririnig mo ang bell at pumapasok na sa room yung prof mo. Anything can happen ika nga. Ang sama sa pakiramdam. Pinagpapawisan ako ng malamig! Hindi lang ako sanay. Pero natanong ko din ang sarili ko, bakit ang ate ko na minsan ko lang nakitang mag-aral e parang walang kaproble-problema sa buhay samantalang ako na paranoid lagi na may nakalimutang assignment ay parang wasted na wasted araw-araw??? Attitude lang ba talaga nya yun at natural na sa kanya o deep inside ay namomroblema na din xa?
Anyway, highschool pa lang ako, gusto ko nang takasan ang sitwasyong ito. I wanna free myself from all the pressures and high expectations that I get from other people. Yes, it's great to be called "matalino" and a straight A student. Masarap ang feeling na makita ang pangalan mo na nasa itaas ng honor list at masarap din mapabilang sa top class taun-taon. Pero parang ang laki ng kapalit. Ano 'tong kapalit na 'to? Well, yun lang naman e ang ma-stranded ka sa buhay na puro aral para mapatunayan mo ang sarili mo at ang palaging maabot ang expectations ng mga tao lalo na ng nanay mo at mga kamag-anak. Mahirap din pala ang pinasok kong buhay. Yung tipo ng buhay na hindi ka pwedeng magpabaya sa grades mo dahil baka kung anong sabihin ng ibang tao. Siguro yung iba sa inyo sasabihin na hindi naman importante ang mga sinasabi ng ibang tao, pero trust me, it does matter. It matters a lot. Hindi pwedeng hindi ka maaapektuhan sa mga sinasabi nila, kahit konti lang.
Dati kasi, isa sa mga pinakakinatatakutan ko ay ang mawala sa cream class next school year kaya pinagbubutihan ko. Ayoko ngang malaglag! Baka kasi pag napalipat ako ng ibang section, itanong kung saang section ako galing last year. Pag sinabi kong galing cream, baka itanong kung bakit ako nawala dun. Masakit din un a. Maliban na lang kung talagang sukang-suka ka nang makabilang sa cream section. Pero ngayong college, parang ganun ulit. Nung unang weeks ng klase, hirap na hirap ako. Una dahil wala akong ibang kakilala na mga kabatch ko. Konti lang. Tapos, palaging pinagdidiinan nung ibang IS na galing akong cream kaya ivinovolunteer nila ako lagi. Feeling ko tuloy lagi, obligado akong maglider-lideran. Nakakapagod din minsan yun no! Feeling ko gabi gabi na lang ako may ginagawang report e!
Ang sakit din minsan kasi ang daming connotation sa pagiging "cream." Ano-ano yun? Boring daw, seryoso, nosebleed pag nagsalita, mayabang, rule abiding citizens to the highest level, control freak(huh?!), super competitive, zero v, tahimik(god, this is so funny..kung sino mang nagsabi nito e hindi pa nakakapasok sa classroom namin), manang (at manong?), grade conscious(mejo) at ang pinakamasakit..hindi raw tao. Minsan, narinig ko ang dalawang babae na naguusap sa cr pagkatapos ng NCAE namin:
Girl 2: Oo nga..nangamote ako! Pero sabi nung kaservice kong cream, okay lang daw.
Girl 1: Hahaha..Xempre yun ang reaction nila. Cream e. Hindi naman tao yung mga yun.
Girl 2: Oo nga, ano kayang kinakain ng mga yun. Beyond normal na e. Utak na tinubuan ng katawan..
(nagtawanan ang dalawang bruha..)
Nung mga panahong yun, inaayos ko ang pagkaka tuck-in ng sando ko. Napatigil ako dun. Mejo natawa. Pero nasaktan din ako. Kung hindi kami tao, ano kami? Hayop, halaman? At ung statement na beyond normal..HELLO??? Kumusta naman un? At xempre, ang pinakanakapukaw sa aking atensyon, ang pagiging "utak na tinubuan ng katawan" namin. Yuck ha! kadiri naman..Well anyway, what I'm really trying to point out is that we're also like everybody else. Teenager din naman kami. Mahilig gumimik, marami ding kalokohang ginagawa at higit sa lahat, totoong tao. Diber?
Anyway, masaya sa cream class. Mahirap nga lang minsan. Pero ngayong desidido na akong maging "normal" na tao, saka naman ako lalong namotivate mag-aral. Bakit? Hmm..secret! Haha..Saka na ang chismisan. Parang inuulit ko nanaman ang cream days ko. Ang pinagkaiba nga lang, I'm no longer with the rest of the "gang."
Haay, ang chaka! Parang there's no other choice but to stick to what you've been used to. Nagbago nga ang environment, pero ang attitude, hindi. Kanina, nagpunta ako sa mga lola ko (sa mother's side) tapos sabi ni Ate Pepay, "Aba, himala! Laumabas si Mara! Bakit, wala kang pinagaaralan?" Ayoko ng lagi akong ginaganon. Gusto ko, tratuhin ako gaya nga pagtrato sa iba. Hindi ko naman kailangan ng maraming papuri e. I've had enough of that. Too much, actually. Oo, masarap ang feeling ng napapalakpakan pag highest ka sa exam. Pero mahirap din naman yung yun lang ang tingin nilang lahat sa'yo. E pano pag may bagsak ako? Imbis na gumaan yung loob ko e lalong sasama dahil sa comments nila. Sa totoo lang, kahit hindi ako nakakarinig ng isang salita, alam ko kung anong reaction ng iba. Tulad nung 74% ko sa quiz sa TheoFun (anak ng tokwa naman kasi e, hindi pa ako ipinasa!). I felt bad hindi dahil dun sa grade mismo(well, just a little bit) kundi dahil sa reaction ng iba. May nagtanong kasi na kaklase kung anong nangyari. Sabi ko nahirapan ako. Sabi nya "owwws? ikaw? nahirapan?" Sabi ko na lang hindi kasi ako nakapag-aral ng ayos dahil sa PE. Gusto ko sanang sabihin na "Bakit, wala na ba akong karapatang bumagsak?" Ayoko lang kasi talaga ng may mga nagrereact nga ganyan kapag may mababa akong grade. It makes the feeling worse! But I guess hindi na nila yan mapipigilan. Ewan ko ba!
Anyway, yan ang aking mga dinaramdam sa buhay. Isa yan sa mga enigma ko. Gusto ko nang maging easy-go-lucky pero hindi ko naman kaya! I guess I'll be like this forever. Hanggang sa paglaki ko, madadala ko na to. Sana lang hindi na ako kasing paranoid ngayon pag laki ko. As of now, I'll just be contented of who I am and what I can be. I don't have to force myself to become somebody else.
O xa, napahaba na itong blog entry ko. Ang sarap pala ng feeling na mailabas mo ung matagal mo nang tinatago. Till here na lang. Inaantok na din me...*yawn*
Till next time!