CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, March 12, 2008

A message to my neighbors

Dear Neighbors,

Kailangan pa bang pag-igihin ang pagvivideoke nyo? Hindi pa ba sapat ang maghapong pagkanta at pati oras ng pagtulog ko ay gagambalain ninyo? Naaapreciate ko ang pag-imbita nyo sa'min pag may party sa inyo, pero sana lang naman maisip nyo na may mga kapitbahay kayong tao na kailangan ding matulog nang mahimbing paminsan-ninsan. At please lang, kung mag-coconcert kayo, pumili-pili naman kayo ng maayos sa kanta at singer kasi na-iimbiyerna na ako sa lalaking palaging nakanta ng 'just once' at sa babaeng nakanta ng 'looking through the eyes of love.' THANK YOU!