BiochemLAB!!
Hooo...shet.
Natapos din ang kalbaryo ko sa paghihintay. The results are out. Makakahinga na ulit ako ng maayos. Haha!
My score wasn't bad. I was actually expecting a failing grade or something unsatisfactory...but God is so good. I passed! Yey!! What a relief.
Pano ba naman, nung time na kinuha ko ung exam dun, muntik ko nang di masagutan ung isang page.Hindi isang part ha, ISANG PAGE! The exam was 2 pages, but I thought one page lang. Ewan ko, di ko ata napansin kasi di naka-staple. Madali ung 1st page. After kong natapos yung 1st page, akala ko tapos na...but no! hell no!! 10 minutes before the the bell, I saw the other page. The ever so bloody second page of the exam. Yung mga questions 3points each at 5 points each! Madaming items din un na masasayang!
shiyeeet!
Blood drained from my face. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. The second page was waaaay difficult, tapos I had to finish it for 10 minutes. TEN BLOODY MINUTES! That was the worst 10 minutes of my life!!! Di pa ako nakakasimula sa 2nd page, naglalabasan na ung iba sa exam room.
To cut the long story short, minadali ko ang second part. I never even bothered to review. My handwriting was terrible..almost impossible to read. I had to leave one question about the formula of the reaction of glyceryl tristearate (whatever) with NaCl. Malaking puntos din yun!!!! Wah!! Tapos di pa ako makapag-isip sa sobrang pagmamadali. SUPER DUPER RUSH!
I was the last one to pass the paper. I was the last one to exit the examination room. Mala-Edward Cullen ako nung lumabas sa room sa sobrang kaputlaan ng mukha ko. Paiyak na talaga ako at that time, kung hindi ko kasama sina kim na maglakad papunta sa next room, baka humagulgol na ako. I hated myself back then. Siguro kung di ko nakita ung second page, di ko mapapatawad sarili ko. Baka magpasagasa na lang ako sa labas at wag nang magtake ng next exam (na nasa kabilang building!). Because honestly, it's impossible to pass the exam kung di mo nasagutan ung second page.
Wala lang. I just want to share my experience. Plus, I just have to let it out. Ngayon ko lang kinwento kasi the past few days, I was trying to forget everything. First time nangyari sakin yun. Di ko makakalimutan talaga!
But you know what, even though I passed, I still have this bad feeling inside of me. GUILT. And nanghihinayang pa din ako hanggang ngayon. What if hindi ko nakaligtaan sagutan ung 2nd page? I guess I would've gotten a better grade. Tsaka sana hindi ako nagworry..
Oh, well..past is past..move on. Gasgas na ya ng linyang yan, pero ganyan naman talaga. Hindi ko ma-rewind ang nangyari at least natuto ako. Haha..Nice!