CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Tuesday, May 13, 2008

if a restiveness, like light and cloud shadow passes over your hands

sa sa mga paborito kong pinoy na salita ang…

bukang liwayway - sunrise. ano ba ang literal meaning ng salitang ito? “break of dawn”, siguro. bukang liwayway, bukang liwayway, bukang liwayway. banggitin mo ng banggitin at matutuwa ka dahil punong puno ito ng pangako at kahulugan. pero pag naririnig ko ang salitang ito, naalala ko si elias na namatay na di man lang nasinagan ang bukang liwayway. medyo corny nga for a dying man to say, but what the heck. here are his last words…

“I die
without seeing the dawn brighten over my native land! You, who have it to see, welcome it–and forget not those who have fallen during the night!”

actually, mas maganda itong pakinggan sa tagalog. teka nga at ma-translate…

“mamamatay akong di man lang nasilayan ng aking bayan ang bukang liwayway! kayong mga nakakita ng liwanag: salubungin ninyo ito ng masaganang palakpakan — at huwag ninyong kalimutang tulungan ang mga tangang nadapa nung kinagabihan dahil wala silang dalang mga flashlight!”

hahaha...patawa!

minsan din, ang maaalala ko sa salitang “bukang liwayway” ay ang pinoy magazine na “
liwayway“. sikat ito nung araw. dito mababasa ang mga kwento ng isa sa mga paborito kong cartoon characters - si kenkoy. 1922 pala nung magsimula itong ma publish. nakakalungkot nga na marami nang nagsara na mga publication companies. tinalikuran na kasi natin ang mga komiks at magazine na gawang pinoy nung sumikat ang tv at internet. sayang.